Sabi ko sa new year’s resolution ko, I would temporarily stop sa pag mamarathon ko ng mga series. I tried, but I failed. It turns out na adiksyon ko na ‘to.
At ang latest na napanood ko ay ang Green Forest. I’ve known of its existence siguro nung July pa, pero dahil sa lagi naman akong nasa dorm, wala talaga akong chance na mapanood siya. Then one sunday, while I was watching television, saktong siya yung nag aair, and from the looks of it, parang kasstart pa lang ng story. And just like the other cases, na attract na naman ako sa story.
Nandun kasi si Leon, ever since napanood ko siya sa Le Robe, isa na siya sa mga nasa list ko ng “alam niyo na.” And one thing more, nandun din si Ethan Ruan, been hearing his name dati pa, friends niya kasi si Mike and Joe, and he’s cute. About the lead actress, Esther’s beautiful, she looks so innocent, basta yun na yun.
Story. Di naman ako nabore sa story, kahit similar yung storyline niya dun sa mga iba ko nang napanood, di pa rin ako nagsasawa, kahit nga walang audio pinagtiyagaan ko pa rin siyang panuorin. Siguro sanayan na rin yung pagwawatch ng mga ganitong shows, everybody has his/her own taste, meron sigurong nacocornyhan dito. Attention getter kasi yung first few episodes niya, you would yearn for more, sa kalagitnaan parang medyo nakakapagod na yung story, pero go pa din. Maraming funny at kilig parts. Yung mga elements na makikita mo sa isang basic Taiwanese series eh litaw na litaw dito.
Siguro hanggang dito na lang muna. I have a series na gusto ko na talagang mapanood ~ Nobuta wo Produce, if ever ito ang unang Yamapi series na mapapanood ko.Share ko lang. JA!
Rating: 8.9/10
No comments:
Post a Comment