Sunday, May 11, 2008

Memories Of Bali

Posted on November 11, 2007

Kaya siguro MoB ang title nito kasi puro memories na lang ang natira sa Bali. LOL

Again, di ko na naman napanood ito nung pinalabas sa ABS a few years back, kasi parang di ko type ang story at tsaka yun ata yung time na di talaga ako mahilig manood ng mga primetime shows (just like KSS). So dahil sa may hangover pa ako sa movie na The Classic at kay Jo In Sung na rin, pinanood ko ‘to. But before that basa muna ako siempre ng summary nito.

Tragic ang ending nito. Siguro alam niyo na, pero di ko sinisisi si Paolo (JIS) kung bakit niya pinatay sina Ryan and Erika. Di naman talaga siya ang may kasalanan, I think na kay Erika yung fault, di naman kasi niya malinaw sa sarili niya kung sino talaga ang mahal niya eh, personally I would prefer Jo In Sung (haha). Pero we couldn’t put all the blame on her. And for that masasabi kong okay na din para kay Ha Ji Won yung role, pero di talaga maiiwasan na kainisan mo yung character niya.

One thing na napansin ko dito ay yung story, nung una light pa lang siya, may pagkacomedy ba, pero as the story thickens, nagiging dark na. Para tuloy ayaw mo na panoorin, the only thing that made me continue it is because of In Sung pati na rin si So Ji Sup (minsan), kaabang abang talaga sila. I would rate this siguro an 8 (out of ten).

Lastly, napaka disturbing ng pag iyak ni Jo In Sung dito, ang sagwa, imbes na maiyak ako, natatawa pa ko. No offense, kahit like ko si Insung, di talaga maiwasang di mapansin yun.

Rating: 8/10

No comments: