Posted on November 2, 2007
Although pinalabas na siya sa GMA before, wala naman akong chance na mapanood ang KSS nang buo. I’ve watched a few episodes, and nagenjoy ako.
After about a year (or more), napagisipan ko ng bilhin ang series na ‘to. Di naman nakapagsisisi, kasi sobrang ganda and sobrang nakakatawa, trust me. Simula sa simula hanggang katapusan, tawa na ako ng tawa. Typical yung story na nainlove ang isang rich guy sa isang commoner but the only difference is si Sam Soon, ‘coz she’s fat. This is the first series na napanood ko na fat yung bida, plus ang kakaiba pa, di tinry ng mga writers na papayatin yung character niya. Very inspiring yung story lalo na sa mga chubby girls, kasi kahit mataba ka di pa rin naman katapusan ng mundo, you could still find the man for you, at malay mo he’ll turn out to be just the same as the one Sam Soon’s got. Di ba sobrang hot ni Hyun Bin? He’s not gwapo (aminado ako dun), pero he’s hot, may something sa kanya na talaga namang mamahalin ng mga girls.
Ang nakakainis lang sa series na ‘to eh si Hannah (name used sa GMA), kasi ang ganda ganda niya, sobrang hinhin, mayaman and mabait, habang pinapanood ko nga eh naisip ko na lang, ano kaya ang laban ni Sam Soon diyan? Pero luckily, nahulog pa rin si Cyrus (name used in GMA) kay Sam Soon, o di ba bongga? My fav. Scene would probably be nung birthday ni Sam Soon nung umakyat siya sa bundok (or hill?). Nakakatouch. ^^ BTW, same writers pala nagsulat ng Foxy Lady and KSS (no wonder).
Rating: 9.6/10
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment